Grace Poe: “Happy Mother’s Day sa inyong lahat

Ikinasiya ni Senadora Grace Poe na maraming babae ang papasok sa “Magic 12” sa nalalapit na midterm elections base sa resulta ng mga survey at binati rin niya ng “Happy Mother’s Day” ang lahat sa pangangampanya sa Bulacan kamakalawa at Danao City, Cebu kahapon.

Hinggil sa laging pangunguna sa iba’t ibang survey, idiniin ni Poe na nag-iikot lang siya at patuloy sa pangangampanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Hindi naman palagi (akong nangunguna), pero hindi ko nga alam. Basta umiikot lang kami at nagtatrabaho, at saka sa tulong ng mga kaibigan, mayors, sa iba’t ibang lugar,” ayon sa senadora.

“Alam ninyo, kahit na anong survey, may mga iba talaga na magdududa ka pero hayaan mo na, kasi para sa akin, ang pinakaimportanteng survey ay ‘yung araw ng halalan,” diin ni Poe. “Bigyan natin ng resulta, tatlong araw na lang. Pero okay naman, nangunguna ang mga babae.”

“Sa lahat po ng mga kababayan natin na tumanggap sa amin at doon sa mga nag-iisip pa, sana po ay ikonsidera ninyo po kami. Maraming maraming salamat po sa inyong suporta,” dagdag ni Poe. “Sa mga nanay na nariyan, Sunday, Mother’s Day, hindi ko makakalimutan kahit eleksiyon. Happy Mother’s Day po sa inyong lahat. Maraming salamat po.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close