PAALALA NG COMELEC: Tsekin niyo ang voting receipt kung tama sa balota niyo

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng mga botante na beripikahin muna ang kanilang boto sa voter-verified paper audit trail (VVPAT) sa Mayo 13.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, nararapat lamang tsekin ng mga botante kung lalabas sa VVPAT ang tama nilang mga ibinoto bago ito ilagay sa loob ng Voter’s Receipt Receptacle na nasa tabi ng voting counting machines (VCMs).

“Tignan niya ‘yung VVPAT, o ‘yung resibo, kung sumasang-ayon sa nakasulat. Ihuhulog niya sa isang receptacle o kahon sa tabi nung mismong VCM,” sabi ni Jimenez sa panayam ng dzMM.

Kung may reklamo ang botante tungkol sa VVPAT, dapat niyang kausapin ang board of election inspectors (BEIs).

“Kung meron naman siyang reklamo, kailangan niyang dalhin doon sa board of election inspectors at kanilang kukunin ‘yung contact information, i-note ‘yung kanyang complaint. Magiging basehan ‘yan for future legal process. Again, like I said, kung matuloy sana ‘yung balak, ay maging bahagi pa yan ng random manual audit,” dagdag pa ni Jimenez.

Ayon sa website ng Comelec, random manual audit ang proseso ng eksaminasyon upang matukoy kung tama ang automated count ng VCMs na nasa Automated Election System base na rin sa manual verification ng bilang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close