‘Pinas malayo sa panganib na mahulog sa China debt trap

Hanggang pinaiiral ang global best practices sa pagpapautang at kaya namang pangatawanan ang mga utang, hindi manganganib ang Pilipinas na bumagsak sa debt trap sa harap ng lumalaking pautang ng China, ayon sa pangunahing opisyal ng Asian Development Bank (ADB).

Ipinahayag ni ADB chief economist Yasuyuki Sawada sa isang punong balitaan sa lungsod ng Nada, Fiji na hindi magdudulot ng political instability sa Pilipinas ang nalalapit na halalan sa Mayo 13.

Tinatantiya ng ADB ang gross domestic product (GDP) growth na 6.4 percent para sa Pilipinas ngayong taon na mas maganda kaysa noong 2018.

Inaasahan ding bababa ang implasyon, na pumalo sa 5.2 percent noong nakaraangtaon sa harap ng mahinang piso, tumataas na presyo ng bigas, fuel excise tax at iba pang reporma sa buwis, sa 3.8 percent ngayong taon anang ADB.

Tumaas ang pagdududa ng mga stakeholders dulot ng labis na pagsandal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pautang ng China at maaaring ikahulog ng bansa sa debt trap.

Gayunman, sinabi ni Sawada na dapat namang punuan ng Pilipinas ang investment gap sa impraestruktura upang mapatupad ang ambisyosong Build Build Build program ni Duterte.

“So far, we don’t see any big problem materializing in the Philippines,” ani Sawada.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close