Hindi pa ito ang ‘Big One’ – Phivolcs

Isa lamang minor na lindol ang magnitude 6.1 earthquake nitong Lunes na nagdulot ng pinsala sa ilang bahagi ng Luzon, ayon sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naunang inireport ng Phivolcs ang lindol na may magnitude 5.7 at nakasentro sa Castillejos, Zambales subalit binago agad nila sa isang pulong balitaan matapos ang lindol.

Sa panayam ng CNN Philippines, inalis ni Phivolcs Director Renato Solidum ang pangambang baka ito na ang tinatawag na “Big One”, isang pinag-uusapang magnitude-7.2 earthquake na maaaring maganap sa West Valley Fault.

“This is definitely not a major earthquake,” sabi ni Solidum at idinagdag na bagamat sa Zambales ang lindol, naramdaman ito sa loob ng 100 kilometro mula sa epicenter.

Nagbabala pa rin ang mga seismologists ng bansa sa publiko na hinog na ang West Valley Fault sa paggalaw nito.

“The West Valley Fault moves roughly every 400 years. The last major earthquake generated by this fault was in 1658,” pahayag ni Solidum base sa report noong 2017.

Dinaanan ng 100-kilometer fault ang bahagi ng Bulacan patungong Quezon City, Marikina, Makati, Pasig, Taguig at Muntinlupa sa Metro Manila; San Pedro, Biñan, Sta. Rosa, Cabuyao at Calamba sa Laguna; at Carmona, General Mariano Alvarez at Silang sa Cavite.

Sa ginawang pag-aaral noong 2004 na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa Phivolcs at Metropolitan Manila Development Authority, lumabas na masasawi ang magnitude 7.2 quake ng 34,000 katao at mapipinsala ang may 100,000 iba pa sanhi ng mga nagbagsakang gusali.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close