Grace Poe, maglalagare sa Solid North

MULING saabak sa kampanya si Senador­ Grace Poe ngayong­ Martes, Abril 23, matapos ang mahabang bakasyon upang bigyan daan ang paggunita ng Semana Santa.

Susuyuin ni Sen. Poe ngayong Martes ang mga botante ng Cagayan at Isabela.

Habang sa Huwebes naman, Abril 25, ay magtutungo siya  sa Ilocos Sur at Norte.

Ang apat na lalawigan ay kabilang sa tinatawag na Solid North, o balwarte ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ang Isabela ay mayroong mahigit 911,000 botante, habang ang Cagayan ay mayroon namang mahigit 647,000 botante.

Ang Ilocos Region naman ay may 3.3 mil­yong botante.

Nauna nang sinabi ni Poe na kahit nangu­nguna siya sa mga survey ay hindi siya magiging kampante dahil patuloy siyang mag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa hanggang sa Mayo 11, o dalawang araw bago ang halalan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close