Mahika ni FPJ, walang kupas kay Grace Poe

KAHIT matagal nang namayapa ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., hindi naman kumukupas ang kanyang mahika sa pag-iikot ni Sen. Grace Poe sa mga kanayunan.

Sa pagbisita ni Sen. Poe sa Lucena City kamakailan, mainit siyang sinalubong ng mga residente roon lalo na ang mga tagahanga ng kanyang namayapang ama.

Halos maiyak pa ang iba nang makapiling nila ang anak ni Da King at ikinuwento na hindi sila pumapalya sa panonood ng ‘Ang Probinsiyano’, ang tele­serye na hango sa pelikula ni FPJ.

Ilang tindera ng New Lucena Market ang iniwan ang kanilang puwesto para lang makita si Sen. Poe.

Sabi pa nila, kahit wala silang benta ay masaya naman sila na makasalamuha ang senadora.

Matatandaan na tumakbo noong 2004 presidential elections si FPJ subalit tinalo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Makalipas ang 15 taon, patuloy na naninindigan si Sen. Poe na ninakaw ang presidency sa kanyang ama.

Sinabi ni Poe na nag-iingat siya sa mga desisyon sa politika dahil sa bitbit niya ang reputasyon ng kanyang ama kaya’t ayaw niya itong dungisan.

Ayon naman kay political strategist Perry Callanta ng STORM, malakas pa rin ang mahika ni FPJ kaya laging nangunguna si Sen. Poe sa halos lahat ng lumabas na survey.

Ganito rin ang opinyon ng isa pang political strategist na si Janet Porter ng Cavite na nagsabing kahit matagal nang yumao si FPJ ay buhay na buhay sa alaala ng mga botante ang kadakilaan nito sa mga pelikula.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close