Local consortium, nag-alok ng P10 billion project para gamitin ang sobrang tubig ng Angat Dam

Nakahanda na ngayong isumite ng local consortium ang P10 billion unsolicited proposal upang mapakinabangan ang labis na tubig mula sa Angat hydroelectric power plant para magamit namang karagdagang suplay sa tubig.

Nagpanukala ang joint venture ng ITP-Maharlika Bulk Water Co. upang makapagsuplay ng 800 milyong litro ng raw water kada araw at magamit nang husto ang labis na tubig para naman sa irigasyon.

Kontraktor ang ITP ng P5.8-billion Balog-Balog storage dam at dati rin itong kasama sa paggawa ng Agus VI hydroelectric power plant sa Mindanao.

Ipinahayag naman ni ITP-Maharlika President Orville Roque na layunin ng first segment ng proyekto na makapagdeliber ng 250 MLD ng raw water sa kasalukuyang Ipo Dam pagsapit ng 2022 upang matugunan ang panandaliang kakulangan ng tubig.

Kasama naman sa second segment ang 550 MLD ng raw water na magmumula sa artificial basin sa Angat River na nasa pagitan ng Ipo Dam at Matictic Bridge.

“Of the 1,800 MLD allocation for NIA [National Irrigation Administration], only 600 MLD are being used, so we want to maximize the system by creating an impounding dam,” paliwanag ni Roque.

Ipepresenta nila ang proyekto sa MWSS board para maaprubahan at dadaan sa National Economic and Development Authority-Investment Coordination Committee para naman makuha ang original proponent status at sasailalim sa swiss challenge.

Kung maaaprubahan, maaari nang bumili ang dalawang concessionaire na Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. Inc. ng raw water sa pinagmumulan nito upang magamot at maihanda sa paggamit ng mga residente.

Nais ng Norzagaray-Angat water supply optimization project na mapalakas ang kinakailangang suplay ng tubig sa Metro Manila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close