Grace Poe, pumatok sa mga Cebuano

DINUMOG ng mga Cebuano si Senadora  Grace Poe sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Cebu nitong Sabado, Marso 30.

Mainit na sinalubong ng mga tao si Poe kaya’t hindi matapos ang pasasalamat ang anak ng yumaong action king Fernando Poe Jr. sa suportang ibinigay ng mga Cebuano.

Si Poe ay kabilang sa mga bisita sa proclamation rally ng regional party Bando Osmeña Pundok Kauswagon (BOPK) na pinamumunuan ni re-electionist Cebu City Mayor ­Tomas Osmeña.

Sa talumpati ni Poe, nanawagan ito sa audience na maging matalino sa pagboto.

“Hindi porke artista iboboto ng mga Cebuano. Kailangan nakikita n’yo na masipag. Kailangan nakikita n’yo ang plataporma dahil kayo ay mga nag-iisip na botante,” panawagan ng senadora.

Sinabi pa ni Poe na kailangang maging balanse rin ang komposisyon ng Senado at hindi nanggaga­ling lamang sa iisang partido.

“Kung hindi walang mangyayari. Dahil puro approve-approve lang o kaya puro disapprove. Dapat merong nagdi-debate, kaya dapat lahat ng sides may representation,” pakiusap pa niya.

Ang lalawigan ng Cebu ang may pinakamaraming botante sa buong bansa na may higit sa 3 milyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close