Comelec, ready na sa pagkalat ng fake news

Nakahanda na ang Commission on Elections (Comelec) sa posibleng pagkalat ng fake news kaugnay ng nalalapit na midterm election sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang sistema na magpapabilis sa pagtanggal ng mga mapanlinlang na post sa mga social media website kagaya ng Facebook.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, nasa proseso na sila ng pagtukoy sa mga fake news posts na sa wari nila’y magbibigay ng problema habang papalapit ang May 13 election.

“Comelec will be providing white list to social media platforms which will allow them to facilitate our request for actions on questionable and objectionable social media posts,” bigay diin ni Jimenez sa mga mamamahayag.

Hindi naman aniya tatanggalin agad ng Facebook ang isang partikular na post sa sandaling naibigay ng Comelec ang white list dahil may sariling community standards ang social networking site. Gayunman, mapapabilis naman ang pagkilos ng Facebook kapag naiparating ng Comelec na “verifiably and demonstrably false news” ang nakapaskil sa kanilang website.  

“We are adding a burden on ourselves. We have committed to include in our reporting a clear indication of which part of the posts is questionable or objectionable, the provision of the law which we feel it violates and the explanation of why the two go together,” sabi ni Jimenez.

Ipinaliwanag din ni Jimenez na hindi layunin ng kampanya ng Comelec kontra fake news na tulungan ang mga kandidatong inaatake ng mga black propaganda.  

“The enemy of truth is not legitimate criticism but the deliberate attempts to use false information to propagate false narratives.  That is our target,” anang tagapagsalita.

Samantala, pinaalalahanan ni Jimenez na hanggang bukas, araw ng Lunes, na lamang ang mga lokal na kandidato upang tanggalin ang kanilang mga illegal campaign materials.

Ibinigay na aniya ang tatlong araw na grace period sa mga lokal na kandidato at kanilang mga political party para mabaklas ang lahat ng kanilang illegal campaign materials na nakadisplay bago pa man magsimula ang campaign period sa local polls nitong Marso 29.

“Through our election officers (EOs), notices have been sent to them, asking them to remove their unlawful materials. Otherwise, we will be initiating cases of violating campaign rules against them,” wika ni Jimenez.

Labag na sa batas ang anumang poster na mas malaki pa sa opisyal na sukat na 2×3 feet.  

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close