Grace Poe, topnotcher sa Varitas truth survey

Muling nanguna sa isinagawang Veritas Truth Survey (VTS) si Senatorial reelectionist candidate Grace Poe.

Isinagawa ang survey sa buwan ng Pebrero at Marso na may 1,200 respondents mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Ang mga respondent ng VTS ay pawang mga mananampalatayang Katolikong botante mula sa mga parokya sa 86 na mga Arkidiyosesis at Diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Pumasok sa magic 12 ng Veritas Truth Survey ay sina (2) Sonny Angara, (3) Cynthia Villar, (4) Pia Cayetano, (5) Willie Ong, (6) Ronald Dela Rosa, (7) Nancy Binay, (8) Paulo Bam Aquino, (9) Christopher ‘Bong’ Go, (10) Neri Comenares, (11) Aquilino “Koko” Pimentel III at (12) Francis Tolentino.

Magugunita na si Poe ang laging nangunguna sa mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS).

Ikinatuwa naman ng isang opisyal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang listahan ng ieendorso sa pagkasenador ng isang inter-faith group.

Tinutukoy ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang 10 kandidato na pinili ng ilang lay Christian leaders mula sa People’s Choice Movement, na binubuo ng mga Katoliko, Evangelical at Protestanteng lay leaders.

“Our lay leaders, the People’s Choice Movement, have done their work of discernment,” ani Pabillo sa kanyang Faceook post.

Nangunguna sa listahan ang independent candidate na si Sen. Grace Poe, dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at walo mula sa oposition slate na Otso Diretso: Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas at Erin Tañada.

Ani Pabillo, trabaho ngayon ng mga layko na tulungan ang kanilang mga kandidatura para kontrahin ang mga tradisyunal na pulitiko.

“Now is the task for all the lay faithful to campaign the deserving candidates so as to counter the money and the political machineries that the TRAPO politicians are using,” dagdag niya. (Ariel Borlongan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close