China-made na tren, lalarga na sa MRT 3

Dulot ng intensibong 26 na buwang rehabilitation program ng Metro Rail Transit (MRT) 3, pinupuntirya ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang pagseserbisyo ng isang Dalian train upang makabilang sa regular fleet anumang araw ngayong linggo.

Kabilang ang pinakabagong karagdagang tren sa MRT 3 revenue line sa tatlong Dalian train na nakapasa nang kompleto sa validation tests makalipas ang maraming taong natengga sa depot ng light rail system sanhi ng mga hinihinalang incompatibility issues.

Dumaan din ang tatlong tren, mula sa kabuuang 18 tren na gawa sa China, sa 1,000-kilometer commissioning test. Isa pa lamang ito sa maraming pagsusuring ginawa ng DOTr upang matuklasan ang operability at compatibility nito sa mga riles, ayon na rin kay Transport Undersecretary TJ Batan.

“While their performance was generally satisfactory and they were conditionally qualified to operate, fully clearing the new trains of all issues was still dependent on the progress of the MRT 3’s rehabilitation program,” sabi ni Batan.

Iginiit pa ng kalihim na hindi nangangahulugang masosolusyonan ng karagdagang Dalian train ang mabigat na kongestiyon dahil mananatili pa rin sa 15 ang mga tren na bumibiyahe mula sa regular fleet ng MRT.

“The new train would only help fill the gap while the old rolling stocks were being overhauled,” dagdag pa ni Batan.

Kung nakapasa man aniya ang tatlong Dalian train sa unang validation test, dadaan pa rin ito sa pangalawang salang upang makompleto nang tuluyan ang rehabilitation program.

“We need to test the trains at their [true] operational conditions, meaning, at 60 kilometers per hour. But we can’t do that because we have a speed restriction [of 30 kph]. We have some observations [about the Dalian trains’ operations]… but many of these observations are attributable to the rails’ condition,” paliwanag ni Batan.

Iginiit niyang muli ang nararapat gawing pag-o-overhaul sa mga riles ng MRT 3.

Sanhi ng pagkakaantala ng national budget sa Kamara, sinagot muna ng maintenance service provider ng MRT 3 na Sumitomi-Heavy Industries ang pagbili ng mga bagong riles, spare parts at signaling system na kinakailangan para sa P21-billion rehabilitation project.

Unang yugto ng proyekto ang pagkuha ng mga spare part ng pondong nanggaling sa P18-billion loan sa Japan. Sasagutin naman ang nalalabing mga gastusin ng pamahalaang Pilipinas.

Nakapaloob din sa rehabilitasyon ang periodic maintenance ng MRT 3 gayundin ang restorasyon at overhaul ng power supply ng linya, overhead catenary system, signaling system, mga riles, closed-circuit television camera, public address systems, elevators at escalators.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close