HIRIT NG COMELEC, HUWAG UMASA SA ELECTION SURVEYS

Ikinatuwiran ng Commission on Elections (Comelec) na hindi sapat na dahilan para piliin ng mga botante ang ilang kandidatong nangunguna sa mga pre-election surveys.

Ipinahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez kamakailan na ipinapakita lamang ng mga survey na inilalabas ng iba’t ibang polling firms kung gaano kapopular ang isang kandidato.

“It does not reveal anything substantial about the candidate’s qualifications, character or potential as an elected government official. In a very real sense, choosing a candidate on the basis of survey ranking alone is indistinguishable from judging a book by its cover,” sabi ni Jimenez.

Sa halip aniyang manalig sa surveys, hinimok ni Jimenez ang mga botante na tingnan at suriin ang track record at posisyon nito sa mga kritikal na isyu.

“These and other inputs to the voters’ decision-making process should not be ignored, simply because it is so much easier to just jump on the bandwagon,” wika ng tagapagsalita.

Sa mga survey na inilabas ng Pulse Asia at Social Weather Stations, nanguna sa talaan ang mga kandidatong mga reeleksiyonista at mga dating senador, miyembro ng isang malaking political clans at mga kaalyado ng administrasyong Duterte na aminadong hindi pa handa sa tungkuling itinatakbo o walang malinaw na plataporma.

Noon pa man, palaging pinagdidiinan ni Senadora Grace Poe na tingnan ng mamamayan ang track record ng mga kandidato para Senador.

 

Kahit saan magtungo si Poe, mula Luzon, Visayas at Mindanao, hinihikayat niya ang mamamayan na suriin ang kanyang mga nagawa sa loob ng Senado simula pa nang manungkulan siya noong 2013.

 

At ipinagmalaki rin ng reeleksiyonista na hindi siya nasangkot sa anumang katiwalian kahit noong nagsilbi siyang hepe ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

 

Masipag rin ang batang reeleksiyonista sa pagsasagawa ng pagdinig sa mga isyung hinaharap ng taong bayan kagaya ng krisis sa tubig na dinadanas ng milyon-milyong residente sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close