Poe: LGUs, dapat umayuda sa mga magsasakang apektado ng El Niño

Hinimok ni Senadora Grace Poe ang mga local government unit (LGU) na labis naapektuhan ng tagtuyot na magpatupad ng cash-for-work program bilang pansamantalang ayuda sa mga magsasaka nitong Huwebes.

Binigyang diin ni Poe sa kanyang panawagan na tungkulin ng LGUs na tumulong sa mga magsasaka na matagal nang apektado ang kabuhayan sanhi ng umiiral na El Niño.

“Dapat magbigay ng cash-for-work sa panahon na naghihintay ang ating mga magsasaka ng pagkukunan ng kita. Puwede silang magkaroon ng trabaho mula sa local government sa tulong na rin ng national government,” sabi ni Poe nang kapanayamin habang nangangampanya sa lalawigan ng Quezon.

Ginawa ng reeleksiyonistang senador ang kanyang panawagan makaraang iulat ng Department of Agriculture na umabot na sa P1.3 bilyong halaga ang napipinsala ng nagsisimulang pa lang na epekto ng El Niño, na sumira sa kabuhayan ng may 84,932 magsasaka at mag-iisda sa buong kapuluan.

Ilang lalawigan na ang nagdeklara ng state of calamity sanhi ng epekto ng tagtuyot na inaasahang lalo pang lalala sa mga susunod na linggo.

Bagamat hindi makakakayang suportahan ang pangangailangan ng mga magsasaka ng calamity fund na magmumula sa LGU, pinagdiinan ni Poe na mabuti nang may pansamantalang solusyon kaysa pabayaang naghihirap ang mga manggagawa sa kabukiran.

“May calamity fund ang bawat LGU kaya lang hindi sapat at hindi naman kasya sa lahat ng magsasaka na mawawalan ng ani,” ani Poe.

Mapapalakas ng cash-for-work program ang umiiral na intervention program ng gobyerno para sa panahon ng El Niño kagaya ng pautang sa mga magsasaka, ayuda sa mga binhi at abono, cloud seeding at crop insurance.

“Dapat makipagkoordinasyon ang mga LGU sa ating concerned state agencies upang matiyak na makararating ang irrigation systems sa mga lupang sakahan sa bansa,” wika ni Poe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close