Pagpapatupad ng bagong Maternity Leave Law, makaaapekto sa pagtanggap ng kababaihang empleado

Mahihirapang tanggapin ng mga kompanya ang mga babaeng aplikante dahil sa pagpapatupad ng Expanded Maternity Leave Law, ayon sa isinagawang sarbey ng Employers Confederation of the Philippines (Ecop).

Sa ginawang Ecop survey, lumitaw na 66 percent ng kabuuang 70 kompanya ang nagsabing makaaapekto ang pagtanggap nila sa mga kababaihang aplikante bunsod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 21. Gayunman, hindi malinaw kung nangangahulugan bang hindi na sila tatanggap ng mga babae o lilimitahan na lamang nila ang bilang ng mga kababaihang manggagawa.

Inilabas ang resulta ng ginawang sarbey noong Marso 11-15 sa general membership meeting ng Philippine exporters noong Martes.

Nilinaw din ng isang Ecop official na preliminary poll pa lamang ito at inaasahang darating sila sa pinal na bilang ng mga respondent sa sandaling nakumpleto ang sarbey sa Marso 30.

Kung pagbabasehan ang laki ng kompanya, 51 percent sa mga sinarbey ang kinokonsiderang malaki, 23 percent ang medium at  22 percent ang mga maliliit.

Nasa 39 percent naman ng mga kompanya ang mayroong mahigit 50 manggagawa na may potensiyal na gamitin ang benepisyong ito samantalang 54 percent ang may 10 manggagawa na eligible para sa karagdagang 15 araw ng maternity leave para sa mga single parent.

Subalit ayon sa survey, halos kalahati ng miyembro ng Ecop ang sumusuporta sa isang buwan ng batas na nagkakaloob ng 105 araw ng paid maternity leave para sa lahat ng nagtatrabahong nanay sa gobyerno at pribadong sektor dagdag pa ang opsiyonal na 30 araw na walang bayad.

Dating may 60 araw na may suweldo ang mga babaeng empleado para sa normal na panganganak at 78 araw naman sa cesarean delivery.

Ayon naman sa Trade Union Congress of the Philippines, katapat ang 105-day maternity leave ng Laos at mas maganda naman sa 90 araw ng Indonesia. Hinigitan nito ang 98 araw ng Myanmar na rekomendasyon ng International Labor Organization. Tanging ang 180 araw na maternity leave ng Vietnam ang pinakamataas sa ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close