Pilipinas, opisyal nang kumalas sa ICC

Tuluyan nang bumitaw ang Pilipinas sa International Criminal Court upang magsilbing pangalawang bansa na umayaw sa Hague-based tribunal.

Naganap ang desisyong ito makalipas ang isang taon nang opisyal na ipabatid sa United Nations ng Maynila ang pag-ayaw sa ICC, na natatanging permanenteng international judicial body na nangangasiwa para sa makasuhan ang isang indibidwal ng genocide, crimes against humanity at war crimes.

Naunang umayaw sa ICC ang Burundi noong Oktubre 2017. Nagsisunod ang Gambia at South Africa subalit nagbago ang isip ng mga ito at muling bumalik sa ICC.

Noong Marso 16, 2018, isinumite ng Pilipinas ang letter of withdrawal sa Rome Statute, ang tratadong nagtatag sa ICC, makaraang maglunsad ang chief prosecutor ng tribunal ng preliminary examination sa mga sinasabing crimes against humanity laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga tauhan nito.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na “malaking kalokohan” ang pag-atake sa kanya at sariling administrasyon gayundin aniya ang ilegal na pagtatangka ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na arestuhin siya ng mga ito kung kaya nagpasya ang Malakanyang na mag-pullout sa Hague-based tribunal.

Gayunman, kahit umayaw na ang Pilipinas, ipagpapatuloy pa rin ni Bensouda ang preliminary examination sinimulan niya noong Pebrero 2018. May apat na yugto ang preliminary examination kabilang dito initial assessment, assessment of jurisdiction, determination of admissibility at determination of interests of justice.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close