Celebrities na sangkot sa droga, dapat ding ibulgar – Sotto

Iginiit ni Senate President Vicente Sotto III na dapat tukuyin din ng mga awtoridad ang mga artista na nasasangkot sa ilegal na droga.

Ginawa ni Sotto ang kanyang pahayag nitong Biyernes makaraang ibunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga politikong sangkot sa illegal drug trade.

“Might as well name the celebrities patronizing these drug pushers. At least ‘yun ‘pag galing sa pusher ang info, validated,” sabi ni Sotto sa kanyang text message sa mga mamamahayag.

Idinagdag pa ni Sotto na dapat dalhin ang mga celebrity na nalulong sa droga sa mga rehabilitation center.

“Kung ako boss nila, rehab[ilitation] dapat,” anang Senate President.

Naunang nagpahayag ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na iniimbestigahan nila ang dalawang high-profile celebrity na may ugnay sa napatay na big-time party drug dealer.

Ipinabatid ni PDEA Special Enforcement Services (SES) Acting Director Levi Ortiz na bigla na lamang lumitaw ang pangalan ng dalawang celebrity, na matagal na nilang minamatyagan, nang inspeksiyonin nila ang cell phone ng hinihinalang big-time party drug supplier na si Steven Pasion.

Napatay si Pasion sa isang buy-bust operation sa Maynila nitong Lunes ng gabi.

Subalit itinanggi pa ring sabihin ng PDEA ang pangalan ng mga artista dahil kasalukuyan pa anilang iniimbestigahan ang mga ito. Posible rin na ginamit lamang ang mga pangalan ng celebrity ng mga kliyente ng nasabing drug dealer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close