Duterte, ‘di umubra sa away ng House at Senado

Hindi nakaya ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte para maayos ang matagal nang pagkakabinbin sa Kongreso ng pambansang badyet na hindi pa naisusumite sa Malacañang dahil sa mga isyung konstitusyonal na pinagtatalunan pa rin ng Senado at Mababang Kapulungan.

Natapos ang pakikipagpulong ni Duterte sa mga lider ng Kamara nang walang malinaw na desisyon kung paano mareresolba ang pagkakasadlak ng badyet.

Pawang nag-aakusahan ang Mababang Kapulungan at Senado na gumawa ng mga huling minutong pag-amyenda sa P3.757 trilyong badyet matapos maaprubahan ito ng Kamara.

Sanhi ng pagkakabinbin, wala pang natatanggap ang Office of the President ng pondong panggastos na inaprubahan ng Kamara noong Pebrero 8.

“There is a budget impasse due to some constitutional questions raised by both chambers. Only Congress can resolve and break this impasse. We call on the Senators and Representatives to break the stalemate and deliver to the Filipino people an appropriations law that can aid this government better their lives and help our country move forward,” pakiusap ni Presidential Spokesman Salvador Panelo nitong Miyerkules sa mga mambabatas.

Binanggit din ni Panelo na ipinasa ng Office of the President ang panukalang badyet noon pang Hulyo 23, 2018 o 30 araw bago matapos ang palugit na inaatas ng batas. Dumadalo palagi ang executive branch sa mga pagdinig upang matiyak na masunod ang prosesong lehislatibo at maaprubahan sa tamang panahon ang badyet.

“The Executive has performed its constitutional task to submit its proposed budget, we await Congress to comply with its constitutional mandate to pass the same,” anang Presidential Spokesman.

Habang nananatiling umaasa ang administrasyong Duterte na maiaayos ng mga mambabatas ang hindi nila pagkakaunawaan, ginarantiya naman ng Palasyo ang publiko na nakahanda ang pamahalaan kung sakali mang ipatupad ang reenacted budget.

“We assure the nation that the administration, as we have previously stated, is prepared to cushion the impact of a reenacted budget. The delivery of public services to our countrymen will be maintained,” sabi ni Panelo.

Naunang binatikos ni Senate President Vicente Sotto III ang Mababang Kapulungan na minanipula ng ilang miyembro nito ang P79 bilyong halaga ng proyekto sa panukalang badyet matapos nila itong maaprubahan.

Gumanti naman si House appropriations committee chairman Rolando Andaya Jr. at sinabing inilipat ng Senado ang may P75 bilyon matapos ipasa ang badyet sa bicameral conference committee.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close