National ID registration, lalarga sa Setyembre

Sisimulan na ang unang batch ng rehistrasyon para sa implementasyon ng National Identification System Law sa Setyembre.

“I am happy that it’s all systems go for the national ID system based on the timeline they have presented to us this morning,” pahayag ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo matapos ipaalam sa kanya ang nadesisyonan ng House oversight committee sa populasyon at relasyong pampamilya.

Ipinabatid ng panel pagkatapos ng hearing sa mga opisyales ng Philippine Statistics Authority sa Dumaguete City, Negros Oriental na nakahanda na ang paghahanda sa unang batch ng registration at pag-isyu ng ID sa Setyembre.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11055, ang Philippine Identification System o ang National ID Law, noong Agosto ng 2018.

Ayon kay PSA Deputy National Statistician Lourdines dela Cruz, uunahin muna ang mga mahihirap, people with disabilities (PWDs) at empleado ng gobyerno sa ilang mahahalagang lugar sa buong kapuluan.

Kasama sa mga impormasyong kukuhanin ang biometrics, buong pangalan, kasarian, petsa at lugar ng kapanganakan, blood type, tirahan at kung Filipino o isang resident alien. Opsiyonal na lamang kung ibibigay nila ang marital status, mobile number at email address.

Matapos ang libreng rehistrasyon, bibigyan sila ng permanenteng ID number. Makukuha naman nila ang ID card makalipas ang ilang araw.

Magsisilbing nag-iisang ID system ito para sa lahat ng mamamayang Filipino at resident aliens, na malaking kabawasan sa pagpresenta ng mga identipikasyon kung nakikipagtransaksiyon sa gobyerno at pribadong sektor.

Iginiit pa ni Dela Cruz na target nilang maibigay ang may 100 milyong ID card sa 2022.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close