Malinis na track record at tapat na paglilingkod, susi sa tagumpay ni Poe

Hinimok ni Senadora Grace Poe ang publiko na tulungan siyang makabalik sa Senado kalakip ang paniniwalang nakapaglingkod siya nang may malinis na track record at matapat niyang napagsilbihan ang bayan.

“As my tagline goes, ‘Mabait sa Totoo, Galit sa Manloloko. If I sense that people are treated unjustly and there’s unfairness I speak out. I feel that I have been very fair in all of my dealings in the Senate,” pahayag ni Poe, na patuloy ang pangunguna sa mga survey na ginawa ng Social Weather Stations at Pulse Asia, Inc.

Sinimulan ni Poe ang araw ng Martes sa pagtungo niya sa Burgos Public Market sa Bacolod City na ikinagalak naman ng mga tindera at mamimili.

Tinawag siya ng karamihan na idol habang kapiling ang ina na si Susan Roces, na isang taal na Negrense, gayundin ang pagsuporta ng mga ito sa kanyang yumaong aman na si Fernando Poe Jr.

Hiniling din ni Poe sa publiko na balansehing mabuti ang kanilang pagpili sa pagboto ng mga kandidato na dapat gumawa ng kabutihan para sa bansa sa sandaling naluklok na ang mga ito sa Senado.

Dahil may 12 puwesto ang kinakailangang mapuno sa darating na halalan sa Mayo, naniniwala si Poe na dapat paalalahanan ang mga tao na makabubuti kung hindi lamang sa iisang partido ang kanilang mga ibobotong kandidato.

“A balance in the Senate would be for the advantage of everyone. One party will always push for a straight slate,” ani Poe.

Bagamat isang independienteng kandidato, ikinakampanya ni Poe ang ilang mga kapwa kandidato na pinaniniwalaan niyang makapaglilingkod nang tama sa Senado.

Kabilang dito ang itinuturing niyang mentor na si dating Senador Serge Osmeña at kapwa mga reeleksiyonistang sina Senador Juan Edgardo Angara, Nancy Binay, Joseph Victor Ejercito, Aquilino “Koko” Pimentel III, Cynthia Villar at Bam Aquino.

“Together with them we’ve collaborated and we’ve come up with I feel very substantial laws,” wika ng senadora.

Sa pagiging independiente, mas madali para kay Poe ang lumibot sa bansa dahil hawak niya ang kanyang sariling iskedyul.

“On the other hand there are challenges because you don’t really have the machinery,” paliwanag naman ni Poe.

Bukod sa pagtungo sa palengke, nakiisa rin si Poe sa boodle fight kasama ang mga barangay leader ng Barangay Banago, nakipagtalakayan sa isang youth forum sa Barangay Estefania at kumain ng agahan/tanghalian kapiling ang kanyang ina at mga barangay leader.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close