Casino sa QC, kinontra ng konseho

Kahit na tuloy pa rin ang planong magtayo ng high-rise gaming hub ng Bloomberry Resorts Corp. sa Quezon City, nagpasa ang konseho ng regulatory ordinance na maglilimita sa pagtungo ng mga residente doon.

“Since the argument is it should be for tourism, it should cater only to tourists. “We’ll really make it hard for Quezon City residents to go [inside] the casino,” pahayag ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, na kontra sa anumang uri ng pasugalan.

Gayunman, batid ni Belmonte na mga taga-Quezon City ang karamihan ng mga sugarol na nagpupunta sa unang Solaire Resort ng Bloomberry sa Parañaque City.

“They told me it would be a waste if these people still had to go to Parañaque. I told them, ‘I don’t care.’ Can you imagine, the number of Quezon City gamblers would double, especially since the casino is along Edsa?” dagdag pa ng opisyal.

Ayon kay Belmonte, naipasa ang ordinansa sa harap ng inaasahang demandahan sa korte matapos sabihin sa kanya ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chair Andrea Domingo na kukuha ito ng temporary restraining order (TRO) para huwag matuloy ang nasabing plano.

“I welcome [the TRO] so the courts can decide whether it’s the Pagcor charter or Local Government Code that has precedence,” ani Belmonte.

Ipinabatid ni Bloomberry chair Enrique Razon Jr. noong Hunyo 2018 na inaasahan niyang makompleto ang Solaire-branded integrated resort sa Quezon City sa 2022. Sinabi naman ni Belmonte na nag-isyu na si Quezon City Mayor Herbert Bautista ng letter of no objection para matuloy ang proyekto.

Itatayo ang bagong entertainment hub sa Vertis North complex ng Ayala, na nasa 1.57 ektaryang lupang binili ng Bloomberry sa National Housing Authority noong 2015 sa halagang P1.98 bilyon.

Batid ni Belmonte na malaki ang maitutulong ng entertainment hub sa lokal na ekonomiya ng lungsod subalit ginawa pa rin niya at ng mga konsehal ang ordinansa noong 2017 na ipinadron sa ginawa ng Marina Bay Sands sa Singapore. Kasama rito ang mataas na entrance fees para sa mga residente ng lungsod at paglikha ng local gambling regulatory office.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close