Idiniin ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad na wastong pag-isipan ng mga lider ng isang bansa ang kanilang polisiya kaugnay sa pagpasok ng mga dayuhang manggagawa lalo na kung malaki ang bilang ng mga ito para impluwensiyahan ang ekonomiya.
Inihayag ito ni Mahathir matapos matanong ng media sa pagpasok ng mga manggagawang Chinese sa Pilipinas.
Para kay Mahathir, hindi dapat nagdadala ng malaking bilang ng mga dayuhang manggagawa ang mga dayuhang nagnenegosyo at naglalagak ng puhunan sa bansa dahil sa posibilidad na pagmulan ito ng “political equation”.
yon sa Malaysian Prime Minister, hindi dapat nagdadala ng malaking bilang ng mga dayuhang manggagawa ang mga dayuhang nagnenegosyo at naglalagak ng puhunan sa bansa dahil sa posibilidad na pagmulan ito ng “political equation”.
Diin ni Mahathir: “Foreign direct investments should not involve bringing huge number of foreigners to live in the country because that might disturb the political equations in the country.”
Dapat pag-isipan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ni Mahathir lalo’t mga manggagawang Pilipino ang labis na naaapektuhan ng lubos niyang pagpapaubaya sa pagpasok ng Chinese workers sa ating bansa.