Walang SOCE, walang proklamasyon

Hindi ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang mga magwawaging kandidato sa May 13 midterm elections at hindi rin sila mailuluklok sa tungkulin kung mabibigo silang isumite sa tamang oras ang kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ayon sa Resolution No. 10505 na pinagtibay noong Pebrero 28, walang halal na kandidato ang manunungkulan hangga’t hindi naisusumite ang kanyang SOCE.

Gayundin ang ipatutupad kung nabigong sumunod ang political party ng nanalong kandidato.

Ipinabatid pa ng Comelec na bibigyan ng hanggang anim na buwan ang nagtagumpay na kandidato para tumugon at hindi sila ipoproklama kapag hindi sila sumunod.

“The office of an elected candidate who failed to file SOCE shall be considered vacant pursuant to Sec. 11 of the Omnibus Election Code until he has complied and submitted his SOCE within six months from proclamation,” giit ng Comelec.

Idinagdag pa ng poll body na kapag natapos na ang palugit at nabigong makaupo ang kandidato, iiral ang permanenteng bakante at kinakailangang may maitalaga ditto nang naaayon sa Konstitusyon o batas.

Bilang polisiya, kahit manalo o matalo man ang isang kandidato, dapat pa rin silang magsumite ng kompletong SOCE sa Hunyo 12 o hindi hihigit sa 30 araw pagkatapos ng halalan.

“Except for elected candidate and party-list groups, the deadline is final and non-extendible,” mariing sinabi ng Comelec.

Nakapaloob din sa resolusyon na papatawan ng administrative fines nang nakadepende ang halaga sa nasabing elective post ang magsusumite ng kanilang SOCE sa loob ng anim na buwan.

Para sa national political parties, party-list organizations at mga senador, aabot ang multa sa P10,000 sa halip ng dating P30,000.

Samantala, magbabayad ng P8,500 ang provincial political parties kumpara sa dating P22,500 habang magmumulta ang mga provincial governors at vice governors ng P8,000 mula sa P25,000 noon.

Magmumulta rin ang provincial board members, congressmen, local political parties, mga alkalde at bise alkalde ng P7,000 (P20,000); at P6,000 (P15,000) para sa mga konsehal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close