BSP: Maghigpit vs money laundering

Inatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko at iba pang financial institutions na palawigin ang kaalaman ng mga customer upang matiyak na hindi maging money laundering site ang Pilipinas kaugnay ng nangyayaring krisis sa Venezuela.

Inisyu ni BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier ang Circular Letter 2019-016 para ipaalam sa mga bangko ang inamyendahang frequently asked questions (FAQs) mula sa US Department of Treasury’s Office of Foreign Assets Control (US-OFAC) hinggil sa pinagdadaanan ngayon ng Venezuela.

“While the sanctions are directed at Americans, the Philippines must extend its cooperation in transnational investigations and prosecutions of persons involved in money laundering activities wherever committed,” pahayag ni Fonacier.

Idinagdag pa ni Fonacier na dapat tukuyin at kumilos ang lahat ng BSP supervised financial institutions sa mga kliyenteng kasama o makikipagtransaksiyon sa mga tao o kompanyang nakabilang sa US-OFAC sanctions list.

Dapat aniyang imbestigahan ng mga bangko at magsumite ng mga kahina-hinalang transaction report sa Anti-Money Laundering Council.

Idinagdag pa ng BSP official na dapat kumilos ang mga bangko sa anumang exposure ng utang, bonds at iba pang negotiable instruments ng pamahalaang Venezuelan o government-owned and controlled entities at ng mga subsidiaries at affiliates nito.

Nag-isyu ang US government ng ilang executive orders upang matugunan ang mga isyung lumutang mula sa political crisis na nangyayari sa Venezuela habang patuloy ang pagkapit ni Pangulong Nicolas Maduro sa kapangyarihan.

“Their assets are blocked and US persons are generally prohibited in dealing with such assets,” pahayag ng BSP sa circular.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close