Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagseguro ng Estados Unidos na ipagtatanggol ang Pilipinas sa sandaling may umatake sa bansa ngunit hindi rin naitago ang pag-aalinlangan sa prosesong kinakailangan para maaprubahan ng mga Amerikanong mambabatas.
Mismong si US State Secretary Mike Pompeo ang nagtiyak sa mga opisyales ng Pilipinas na nakahandang protektahan ng Washington ang Maynila mula sa mga puwersang lulusob sa pinagtatalunang West Philippine Sea (South China Sea).
Binigyang diin ni Pompeo, na naunang nakipagpulong kay Duterte sa Maynila noong nakaraang linggo, na magsisilbing mitsa ang pag-atake sa mga puwersang Filipino, eroplano o anumang pampublikong sasakyan sa West Philippine Sea para gumana ang obligasyon nila sa Mutual Defense Treaty.
“America said, ‘We will protect you. We will — your backs are covered I’m sure.’ I said, it’s okay,” sabi ni Duterte habang nangangampanya para sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan noong Linggo sa Zamboanga City.
“But the problem here is they would invoke the (Mutual Defense Treaty) which was entered into by us, by our ancestors… But in America, it has to pass through Congress. Any declaration of war will pass Congress. You know how b—s— America’s Congress is,” dagdag pa ng Pangulo.
Nakadagdag pa aniya ang problema ni US President Donald Trump sa mga mambabatas sa Washington kaya hindi maipasa ang kanilang badyet.
“They still do not have a budget. I almost experienced that. But our congressmen’s approval of the budget was timely. We were nearing the same situation as with America. They do not have a budget… We gave similarities. America crafted our constitution,” wika ni Duterte.