Poe, aprub sa sanib-puwersa sa Makabayan bloc

Walang nakikitang problema si Senadora Grace Poe sa pakikipagbuklod sa Makabayan Coalition na nag-endorso sa kanyang reeleksiyon para sa darating na halalan sa Mayo.

Para kay Poe, ikinagalak niya ang pagsuporta noon ng Makabayan sa presidential bid ng kanyang ama, ang yumaong si Fernando Poe Jr., noong 2004 gayundin sa kanyang kandidatura noong 2013 at 2016.

“We have shared goals with Makabayan bloc for the people, and we offer our commitment to pursue legislation built on our unity and cooperation for the benefit of the people,” sabi ni Poe.

Sa nasabing pag-eendorso, ipinadala ni Poe ang kanyang panganay na anak na si Brian Poe Llamanzares bilang kanyang kinatawan sa Makabayan Coalition event na ginanap noong Linggo sa Quezon City Sports Club.

Ipinarating ni Brian ang pasasalamat ng kanyang ina sa pagsuporta ng Makabayan. Binigyang diin din niya ang pagpupursige ng kanyang magulang sa mga school feeding program law para maprotektahan ang kabataang Filipino at kalaunan ang kapakanan ng bayan.

“Unang-una po, ang naging prioridad ng aking ina ay ang mga batas para sa mga anak ninyo. Naipasa niya ang Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act. Sa ilalim ng batas na ito, apat na milyong bata ang magkakaroon po ng libreng pananghalian sa kanilang pampublikong eskwelahan,” wika ni Brian.

Tumatakbong independiente si Poe para sa kanyang reeleksiyon at hindi siya inendorso ng administrasyong Duterte.

Bukod kay Poe, inendorso rin ng Makabayan bloc ang mga reeleksiyonistang sina Senadora Nancy Binay at Senador Bam Aquino; gayundin sina dating Rep. Neri Colmenares, opposition bets na sina Chel Diokno, Samira Gutoc, Florin Hilbay, at Erin Tañada; at si dating Senador Serge Osmeña III.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close