Operation Baklas ng Comelec, umaarangkada

Inilunsad ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes ang kanilang Operation Baklas para sa malawakang pagbabaklas ng mga ilegal na campaign posters at materials.

Nagsilarga ang mga tauhan ng Comelec at ilang ahensiya ng pamahalaan sa buong Kamaynilaan para alisin ang mga ipinagbabawal na paraphernalia.

“Tayo ay magbabaklas. Gagawa tayo ng pagdo-document ng existing na material na in violation of our campaign rules. Babaklasin natin. Ipi-preserve natin ang mga nabaklas na materials,” pahayag ni Comelec Spokerperson James Jimenez sa isang pulong balitaan.

Sinabi niyang gagamitin ng Comelec ang mga kumpiskadong campaign material para sa pagsasampa ng kaso sa mga kandidatong lalabag sa mga alituntunin ng pangangampanya.

Naunang tinukoy ng poll body ang mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Caloocan, Valenzuela, at Quezon City kung saan isasagawa ang Operation Baklas.

Katulong ng Comelec ang mga tauhan mula sa Philippine National Police (PNP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nagtalaga ang MMDA ng mahigit 50 tauhan at ilang man-lift truck habang may 400 tauhan at 10 dump truck naman ang DPWH para sa kanilang operasyon.

Samantala, aatasan naman ng Comelec ang mga PNP para magtanggal ng campaign materials sa buong bansa sa panahon ng pangangampanya.

“We will be giving directives to all the regional directors para gawin din itong pagbaklas ng illegal posters. Puwedeng magbaklas ang PNP on its own, according to the Comelec, provided that we inform the local Comelec officials,” sabi ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Samantala, sinabi naman ni Jimenez na makatutulong ang LTFRB sa paghuli nito sa mga public utility vehicles (PUVs) na lalabag sa campaign rules.

“Kung may makita tayong mga violative na PUV, we might take action, depending on the situation,” anang Comelec spokesperson.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10488, hindi maaaring mas malaki ang campaign posters sa two feet by three feet at dapat lamang idisplay sa mga common poster areas o sa pribadong mga ari-arian na may pahintulot ng mga may-ari.

Dapat namang nasa 12 feet by 16 feet ang mga poster at tarpaulin ng political parties at party-list groups at hindi maaaring lumagpas sa 192 square feet.

Para sa mga PUV, hindi dapat mas malaki ang stickers sa 8.5 inches by 11 inches.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close