Kapakanan ng senior citizens, paiigtingin ni Poe

Desidido si Senadora Grace Poe na higit pang palawigin ang mga benepisyo para sa mga senior citizen kagaya ng isang ospital na dedikado lamang para sa mga ito.

Sa pagbisita ng reeleksiyonista sa Meycauayan noong nakaraang linggo, nangako si Poe na itutuloy niya ang kanyang mga pro-elderly advocacy sa Senado kagaya ng Senate Bill 1704 na lilikha sa Philippine Geriatric Center at Senate Bill No. 1750 na isang panukala para sa Universal Social Pension for Senior Citizens.

“Punong-puno ang puso ko sa pagmamahal ngayong araw. Sa pakikiisaya natin sa mga senior citizens ng Meycauayan, nilapitan tayo ng mga lolo at loa na supporters pa ni FPJ,” masayang bati ni Poe sa mga senior citizen na nagtungo sa St. Mary’s College of Meycauyan.

“Mga lolo at lola, asahan niyong lagi kong pangangalagaan ang inyong kapakanan. Takot ko lang sa tatay ko at kay Lola Flor kapag di ko kayo inalala!” dagdag pa ng senadora.

Ayon kay Poe, napapanahon nang magkaroon ng isang pampublikong ospital na tutugon lamang sa kapakanan ng mga matatanda na dumadanas ng iba’t ibang uri ng karamdaman.

Naniniwala rin aniya ang senadora na darating ang panahon na bibigyan ng trabaho ng day care centers at health centers ang mga senior citizen na may kakayahan pang kumilos at gamitin ang kanilang kakayahan para makatulong pa rin sa lipunan.

Binanggit din ni Poe na kahit 77 anyos na ang kanyang beteranang aktres niyang nanay na si Susan Roces, masipag pa rin itong kumilos.

“Importanteng maging produktibong miyembro kayo ng ating lipunan…Kaya sa mga batas na itinutulak ko, ayoko na ng may age discrimination,” sabi pa ni Poe.

Tiniyak din ni Poe sa mga seniors na makakamit ng mga ito ang nararapat na mga benepisyo para sa kanila dahil ang pamahalaan ang nararapat maghatag ng pensiyon na kokober sa kanilang mga pangangailangang medikal at pangkalusugan.

“Dapat ding tumulong ang ating gobyerno sa mga senior citizen na kaya pang kumilos o magtrabaho para mapangalagaan ang kanilang mga sariling pamilya,” wika ni Poe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close