Kapakanan ng kabataang Filipino, hangad ni Poe

Sadyang kakaiba ang hatak ni Senadora Grace Poe sa mga kabataan ngayong. Kahit noong 2013 nang lumaban siya para makapuwesto sa Senado, napansin nang mga kabataang Pilipino ang kanyang maaliwalas na imahe na hindi nabahiran ng anumang balat ng korupsiyon.

Maaalala ninyo na bago siya nanungkulan sa Senado, una muna siyang iniluklok bilang chair ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Dito nakita ng taong bayan ang kanyang katapatan sa paglilingkod. Kaya nang nagpasya na siyang lumaban sa Senado, hindi nakapagtatakang  siya ang naging topnotcher noong 2013 mid-term elections.

Sa kanyang pangangampanya noon, karamihan sa mga naniniwala sa kanyang kakayahan at abilidad ang nagmula sa mga kabataang sektor ng ating lipunan.

At ngayong nagtatangka para sa kanyang reeleksiyon sa darating na Mayo 14, hindi pa rin nagbago ang mainit na pagtanggap ng mga kabataan kay Poe.

Noong nakaraang Martes, sinimulan ng Senadora ang unang yugto ng provincial leg ng kanyang campaign sortie sa Pangasinan. Hindi na tayo dapat pang magtaka kung bakit napakainit ng pagtanggap ng mga Pangasinense dahil batid naman nating ito ang bayan ng kanyang yumaong ama at Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr.

Ngunit ang nakagigimbal dito ay ang pagdumog at pagtilian ng mga kabataang mag-aaral ng Pangasinan State University-San Carlos at Virgen Milagrosa University Foundation. Hindi magkamayaw sa kasisigaw ang mga ito sa pangalan ng Senadora nang dumating si Poe sa loob ng campus ng dalawang magkahiwalay na unibersidad sa Pangansinan.

Malugod din siyang nakipagtalastasan sa mga kabataan sa student forum at nakipagpalitan ng mga ideya at opinyon kung paano pa higit na mapauunlad ang ating bayan.

Pagkatapos ng kanyang pagdalaw sa Pangasinan, nagtungo naman si Poe sa Ilocos Sur para sa ikalawang yugto ng kanyang pangangampanya sa tinaguriang Solid North na naghatid sa kanyang ng malaking boto noong 2013.

At natural, kasama pa rin sa iskedyul ng Senadora ang pagdalaw sa mga estudyante ng University of the Northern Philippines sa Vigan. Dito siya muling nakipag-usap sa mga kabataan at inihatag ang kanyang plataporma para sa susunod na termino sa sandaling ipinagkaloob sa kanya ang panibagong anim na taong paglilingkod sa Senado.

Dati noong nabubuhay pa si Senadora Miriam Defensor-Santiago, siya ang pinagtitilian at pinaniniwalaan ng mga kabataan. Nagsilbi siyang tagapagsalita ng mga kahilingan ng mga estudyante kaya naman napakataas ng kanilang pagtingin sa mahusay na Senadora.

At sa paglisan ni Senadora Miriam sa mundong ito, nangangailangan ang mga kabataang sektor ng panibago nilang iidolohin.

Isang taong handang tumulong sa kanila, umayuda sa panahon ng pangangailangan.

Isang taong walang bahid ng korupsiyon na kanilang susundin at paniniwalaang magdudulot ng kagandahan ng kanilang kinabukasan.

Ito si Senadora Grace. Siya ang bagong tinig ng mga kabataan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close