Expanded Maternity Law, tagumpay ng mga kababaihan

Pinuri ng mga kababaihang grupo ang bagong batas na halos nagdodoble sa bilang ng araw ng maternity leave habang tinawag itong malaking tagumpay para sa mga pamilya na makikinabang nang husto ang mga ina at ang kanilang sanggol at matitiyak na nasa tamang kalusugan at produktibo ang mga susunod pang henerasyon.

“The hardships and sacrifices in advocating for the Expanded Maternity Law is like that of a mother in labor. There is nothing like the joy of seeing the law enacted, much like a mother seeing her baby for the first time. The birth pains are all worth it,” pahayag ng grupong Workers 4EML.

Binubuo ang grupo ng Akbayan Women, Building and Woodworkers International, Nagkaisa Labor Coalition, IndustriAll, Public Services International, Trade Union Congress Party, Partido Manggagawa, Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa, Public Services Labor Independent Confederation, Kayumanggi, Philip Morris Fortune Tobacco Labor Union, Sanofi Aventis Employees Association, United Cavite Workers Organization at Federation of Free Workers.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Expanded Maternity Leave Act nitong Miyekules, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea

Ayon sa batas na niratipika ng Kamara noong Enero 21, aabot na sa 105 araw ang paid maternity leave para sa lahat ng mga nagtatrabahong ina sa pamahalaan at pribadong sektor dagdag pa ang opsiyon na panibagong 30 araw subalit walang bayad.

May 15 araw na dagdag pa para sa mga solong ina ayon kay Senadora Risa Hontiveros, na pangunahing proponent ng batas sa Senado.

Dating may 60 araw lamang ang mga empleadong babae nang may bayad para sa normal delivery at 78 araw para sa cesarean delivery.

“The maternity leave will be granted to women at every instance of pregnancy. On the average, Filipino women have only three children,” sabi ni Hontiveros.

Para sa senadora, isang malaking tagumpay ito para sa mga kababaihan at kanilang mga pamilya.

“Now, mothers will have more time to rest from pregnancy. Children will be better fed. Fathers and caregivers can bond and create more lasting memories with their loved ones, as families everywhere receive the greatest gift of all—time,” dagdag pa ni Hontiveros.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close