SSS binira ng Bayan Muna at Gabriela

Pinagpapaliwanag ng dalawang party-list group ang Social Security System (SSS) tungkol sa P437 bilyong hindi nakolektang kontribusyon at penalty bago nito simulan ang pagdadagdag ng contribution rates ng mga manggagawa mula pribadong sektor.

Hinimok ni Bayan Muna chair Neri Colmenares ang mga SSS member na huwag pahintulutan ang kanilang pension fund na magamit para sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security System Rationalization Act.

“The SSS does not have the moral authority to increase contribution under the new law if it has failed to collect all uncollected contributions under the old scheme,” matigas na sinabi ni Colmenares sa isang pulong balitaan.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 7 ang RA 11199 na nagpapawalang bisa sa dating SSS law na Republic Act No. 8282.

Dulot ng RA 11199, maaaring palawigin ng SSS ang kanilang kapasidad na mamuhunan at makalikom pa nang higit na malaking pagkakakitaan mula sa mga miyembro at pensioner.

Nagpahayag naman ang Gabriela Women’s party-list na makabibigat ang dagdag-kontribusyon ng SSS para sa mga karaniwang manggagawa na may maliit lamang na suweldo.

“The new charter allows the SSS to bank on the wages of members supposedly to prolong the life of the agency, instead of improving its collection efficiency and getting rid of the bonuses to its board members,” wika ni Rep. Arlene Brosas.

Sa bisa ng batas na ito, unti-unting tataas ang buwanang kontribusyon mula sa kasalukuyang 11 porsiyento ng buwanang sahod. Tataas ito ng 1 porsiyento simula ngayong taon hanggang umabot nang 15 porsiyento sa 2025.

Umigsi ang SSS fund life ng sampung taon hanggang 2032 nang ihatag ang dagdag na P1,000 buwanang pensiyon noong 2017.

Base sa datos ng Commission on Audit (COA), sinabi ni Colmenares na nabigo ang SSS na kolektahin ang premium at multa simula noong 2010 na umabot sa P437 bilyon.

“I have written SSS President (Emmanuel) Dooc three times, asking for explanation on these uncollected premiums, and they did not bother to answer,” ani Colmenares.

Iginiit pa ng dating mambabatas na dapat liwanagin ni Dooc ang mga ginagawa nilang pamumuhunan na kinukuwestiyon din ng COA.

“Instead of aiming for increases in members’ contributions, the SSS should first work to improve its collection rate efficiency, make wiser investment decisions and cut down on unnecessary bonuses for officials and excessive operations costs,” sabi ni Colmenares.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close