Bakuna vs Japanese encephalitis, inilunsad pa rin

Sa gitna ng malaking pangamba ng taong bayan sa pagtuturok ng bakuna, palalawigin pa ng Kongreso ang immunization program ng gobyerno at idadagdag pa ang pagbakuna kontra Japanese encephalitis (JE) na gagawin sa Baguio City.

Nito lamang Pebrero 8, ipinasa ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan para sa ikalawang pagbasa ang pag-amyenda ng pagdaragdag ng marami pang bakuna sa mga mandatory immunization services ng pamahalaan.

Kasama sa serbisyong ito ang pagbakuna bilang pangontra sa encephalitis strain na wala pang lunas sa ngayon at maaaring magdulot ng panganib, ayon kay Dr. Ruby Constantino, acting director ng Department of Health’s Disease Prevention and Control Bureau.

Dadalhin ng mga survivor ang JE virus hanggang nabubuhay sila at maaaring magdulot pa ng neurological complications, ani Dr. Achyut Shrestha na kumakatawan sa World Health Organization.

“JE vaccination program would need to weather the panic that arose from the scandal over the dengue vaccine Dengvaxia,” pahayag ni Constantino.

Isinisi sa bakunang ito ng pamahalaan ang pagkamatay ng 70 bata na binakunahan noong 2017 hanggang 2018.

Idinagdag pa ni Constantino na ginagamit na ang JE vaccine sa loob ng 30 taon.

“In 2005, there was an international discussion which concluded that mosquitoes that carry the Japanese encephalitis strain are endemic to the Philippines,” sabi pa ng director.

Sa isang pagsusuri noong 2014, kinumpirma na madaling tamaan ng sakit ang bansa kaya kinakailangang maipakalat ang pagbakuna para sa JE.

Tinukoy ni Constantino ang apat na rehiyon sa Pilipinas na may mataas na bilang ng Japanese encephalitis cases – ang Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close