Negative campaign ad hindi puwedeng kontrolin ng Comelec

Hindi makikialam ang Commission on Elections (Comelec) sa anumang lalabas na mga negatibong uri ng pangangampanya.

Sa isang panayam kay Comelec Spokesman James Jimenez, hindi nila maaaring tutukan ang ganitong klase ng pangangampanya dahil pinahihintulutan aniya ito ng batas.

“We do not regulate content. But we do require candidates to submit reports on the cost of the use of social media associates,” patungkol ni Jimenez sa mga requirement para sa lahat ng kandidato at partidong political na magsumite ng kanilang mga Statements of Contributions and Expenditures.

Sinusugan din ang kanilang posisyon ng Legal Network for Free Elections (Lente), National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel) at Kontra Daya.

“Hindi puwedeng kontrolin ang nilalaman ng campaign propaganda dahil magsisilbing pagsupil ito ng kalayaan sa pamamahayag,” sabi ni Namfrel treasurer Lito Averia.

“That’s why it is difficult to regulate content. Comelec is shying away from it. From my personal standpoint, the way I see it, it is a no-no,” dagdag pa ni Averia.

Binanggit naman ni Kontra Daya convenor Danilo Arao na isang pagsubok para sa edukasyon ng mga botante ang matuklasan kung paano sila matuturuan nang tama base sa pagtanggap ng ganitong klase ng propaganda na posible namang mailantad ang katotohanan na itinatago ng ilang kandidato.

Pinaalalahanan din ni Jimenez ang mga kandidato at mga partidong politikal na hindi maaaring gamitin ang pondo ng bayan para sa partisan political purposes.

“No distinction. No qualification. If it’s government resources, it cannot be used for partisan politics,” giit ng tagapagsalita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close