EDCA kikilos na sa ‘Pinas

Matapos ang paglulunsad ng unang pasilidad sa bisa ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, nagtitiwala ang Department of National Defense (DND) na lubos na magiging operasyonal ang nasabing kasunduan.

Pinangunahan noong nakaraang linggo nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at US Ambassador Sung Kim ang ribbon-cutting ceremony ng Human Assistance and Disaster Relief warehouse sa Cesar Basa Air Base sa Pampanga. Nagsagawa na dati ang puwersa ng Pilipinas at Estados Unidos ng joint exercises para sa HADR operations.

Kinumpirma rin ni Defense Undersecretary Cardozo Luna nito lamang Huwebes na pinag-aaralan na ang apat pang lokasyon na dati na ring napagkasunduan ng Maynila at Washington sa ilalim ng EDCA.

“Anchored on the [Mutual Defense Treaty], as well as the Visiting Forces Agreement, the EDCA aims to enable greater interoperability, capability development and modernization between our armed forces by developing agreed locations,” wika ni Luna sa isang forum sa Makati City.

Nauna ring pinahintulutan ng Pilipinas ang Estados Unidos na magkaroon ng limang base military kung saan maaaring maitalaga ang mga sundalong Amerikano at mapaglagakan ng mga suplay.

Kabilang sa limang pasilidad ng militar ang Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Cesar Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro at Mactan Benito Ebuen Air Base sa Cebu.

Nilagdaan ang EDCA noong 2014 subalit inabot pa ito ng dalawang taon bago ipatupad matapos desisyonan ng Korte Suprema na walang nilalabag sa 1987 Constitution ang nasabing kasunduan.

“EDCA did not go beyond the framework. The entry of US troops has long been authorized under a valid and subsisting treaty, which is the Visiting Forces Agreement,” sabi ng SC sa ginawa nitong desisyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close