Measles outbreak lalo pang kumalat

Higit pang pinalawak ng Department of Health (DOH) ang outbreak ng nakahahawang tigdas sa ibang bahagi ng Luzon, Central at Eastern Visayas.

“We are expanding the outbreak from Metro Manila to the other regions as cases have increased in the past weeks and to strengthen surveillance of new cases and alert mothers and caregivers to be more vigilant,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III.

Basa sa datos na mula sa DOH Epidemiology Bureau, nagkaroon nang mabilis na pagtaas ang kaso ng tigdas sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Bicol region simula noong Enero 26.

Nasa 575 kaso ang naitala at siyam ang namatay sa CALABARZON. May 192 kaso naman ang Central Luzon na may apat na nasawi, 104 na kaso at tatlo ang namatay sa Western Visayas at may 71 kaso ang Central Visayas at isa naman ang nasawi.

Napakalaki rin ang kaso ng pinagsamang tigdas at rubella noong 2018 na 18,026 mula sa dating 3,804 noong 2017.

Naunang idineklara ng DOH ang pagkakaroon ng measles outbreak sa Metro Manila.

Isang nakahahawang sakit ang tigdas dulot ng virus. Kasama sa komplikasyon ng sakit ang pagtatae, impeksiyon sa bandang gitnang tainga, impeksiyon, pneumonia, encephalitis, malnutrition, pagkabulag at posibleng ikamatay.

Senyales ng simtomas ang pag-ubo, runny nose, namumulang mata, lagnat at skin rashes na tumatagal nang mahigit tatlong araw.

Hinikayat ni Duque ang mga magulang na agad pabakunahan ang kanilang mga anak.

“Napakahalaga po na ‘wag po nating ilito ang isyu ng Dengvaxia sa iba nating bakuna na talagang nakapagbigay nang proteksyon sa mahabang panahon, ilang dekada na ang nagdaan,” sabi ni Duque.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close