Duterte, hinamon ni Lacson na tanggalin ang pork insertions sa 2019 budget

Hinamon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang kanyang veto powers upang tanggalin ang pork na pinilit isingit ng mga mambabatas sa 2019 budget.

“Mr. President, you have displayed your strong political will on several occasions. This time, use your line-item veto power over the 2019 appropriations measure by removing all the ‘pork’ inserted by lawmakers who are incorrigibly insatiable and simply ‘beyond redemption’,” sabi ni Lacson sa kanyang @iampinglacson Twitter post.

Ang senador ang nagkuwestiyon sa mga pork insertion sa budget na nakabinbin pa rin sa congressional bicameral conference committee (bicam).

Naunang ibinulgar ni Lacson na may ilan siyang kapwa senador na gumawa ng P3.3-billion insertions para sa iisang lalawigan pa lamang, na bahagi ng P23 bilyon na isiningit ng mga senador sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nitong Lunes, iniulat ni Senadora Loren Legarda na nagkasundo ang bicam na aprubahan at i-ratify ang 2019 national budget sa Biyernes.

Nagbanta rin kamakailan si Senate President Vicente Sotto III na babawiin ng Senado ang kanilang bersiyon ng budget sa bicam kung hindi pa rin matatapos ang diskusyon tungkol sa pork insertion. Kapag ginawa ito ng Senado, nangangahulugang gagalaw ang bansa gamit ang reenacted budget.

Kabilang sa mga maaapektuhan ang Commission on Elections dahil walang nakalaang budget para sa May 2019 elections kung paiiralin ang reenacted budget ng 2018.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close