Bomb plot advisories sa social media, ‘di dapat patulan – Army

Nanawagan ang mga awtoridad na manatiling kalmante at huwag agad-agad maniwala sa mga kumakalat na mensahe sa social media at SMS na nagbababala sa mga terror attack.

Nagsimula ang pagkalat ng text messages makaraang sumabog ang katedral sa Jolo, Sulu noong nakaraang Linggo at ang mosque sa Zamboanga City nito lamang Miyerkules ng umaga. Sinabi ng mga opisyal na walang koneksiyon ang dalawang insidente ng pambobomba.

Nakiusap si Maj. Gen. Cirilito Sobejana ng Army’s 6th Infantry Division (ID) nitong Biyernes na iwasan ng mga taong ipakalat ang nasabing text messages at pagpaskil sa Facebook tungkol sa bomb plots at mga ulat na nakitang gumagala ang mga taong may dalang improvised explosive devices (IEDs).

“These are practically whimsical and preposterous text messages and Facebook warnings, possibly instigated by a ‘third party’ either for fun or just to confuse people,” mariing sinabi ni Sobejana.

Ipinabatid din ng regional police office sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na itinalaga nila ang intelligence agents sa mga estratihikong lugar para matiyak ang seguridad kontra sa mga pagkilos ng Islamic State-inspired terrorists.

Kumikilos ang 6th ID sa Maguindanao at ilang bayan sa Lanao del Sur, kung saan iniulat ng mga residente ang pagtanggap nila ng text messages tungkol sa security advisories.

Pinaalalahanan ni Gov. Esmael Mangudadatu, chairperson ng Maguindanao Provincial Peace and Order Council, ang taumbayan na makinig lamang sa mga anunsiyong ipalalabas ng PRO-ARMM at 6th ID.

“The local communities are helping authorities maintain law and order. We just have to be vigilant. It is only with vigilance and patriotism that we can surmount the security challenges we face each day,” ani Mangudadatu.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close