105-days Expanded Maternity Leave bill, ipinasa na kay Digong

Naghihintay na lamang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap nang batas ang Expanded Maternity Leave bill.

Ayon sa opisyal na website ng Senado, ipinadala na nila ang panukala sa Office of the President noong Lunes, Enero 21.

Pinagtibay ng Senado at ng Mababang Kapulungan ang 105-day Expanded Maternity Leave bill noong Oktubre ng nakaraang taon.

Habang nasa bicameral committee, idinagdag pa ng mga mambabatas ang limang araw sa orihinal na 100-day maternity bill. Mas marami ito ng 45 araw kaysa dating 60 araw.

Pinahihintulutan din ng panukala ang mga solo mother na gamitin ang karagdagang 15 araw kung kaya aabot ang kanilang leave sa 120 araw.

Madodoble rin ang paternity leave sa 14 na araw mula sa kasalukuyang pitong araw.

Kung hindi kikilos ang Pangulo sa ipinadalang panukala sa loob ng 30 araw, magsisilbing ganap na batas ang nasabing panukala.

Sinabi ni Senadora Risa Hontiveros noong nakaraang taon na isang rebolusyonaryo at makasaysayang tagumpay para sa kababaihan ang ratipikasyon ng panukala.

Iginiit pa ni Hontiveros, vice chair ng Senate Committee on Health, na 26 na taon na ang nakalipas simula nang madagdagan ang paid maternity leave days noong 1992.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close