Pimentel, top spender sa Senado

Nanguna si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa listahan ng mga senador na may pinakamalaking gastusin noong 2017 na umabot sa P127.8 milyon habang nanunungkulan pa siya bilang Senate President, ayon sa pinakahuling report ng Commission on Audit noong Martes.

Base sa itemized list na nilagdaan ni Supervising Auditor Olympia Balugay, ginastos para sa suweldo at benepisyo ng mga tauhan ni Pimentel sa kanyang tanggapan ang P49.2 milyon at ang para sa professional at consultancy fees na P15.7 milyon.

Mayroon din siyang extraordinary at miscellaneous expenses na P11.7 milyon mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2017.

Nagpahayag naman si Pimentel na inaasahan na niyang siya ang may pinakamalaking gastusin noong 2017 dahil sa panunungkulan bilang Senate President nang taong iyon.

“That is expected. The Senate President is allocated a higher budget, because as the head of agency he also has many additional responsibilities and functions,” sabi ng senador sa text na ipinarating sa GMA News Online nitong Miyerkules.

“Let us look at past years’ COA reports and find out who were the biggest spenders in the Senate. If it is not the Senate President then that would be the biggest surprise!” dagdag pa ni Pimentel.

Nagtataka nga lamang ang senador kung bakit ngayong 2019 lang inilabas ng COA ang audit report para sa taong 2017.

“They should have released these the year after (in 2018)!” sabi ni Pimentel.

Ayon pa sa COA report, pumangalawa naman sa listahan si Senador Antonio Trillanes IV na gumastos ng P87 milyon, kung saan P15.7 milyon din ang inilaan para sa consultancy fees at P39.8 milyon ang napunta sa suweldo at benepisyo ng kanyang mga tauhan sa tanggapan.

Nilinaw din ni Trillanes na pare-pareho ang alokasyon ng badyet ng mga senador at ginamit aniya ng kanyang tanggapan ang pondo nang walang iregularidad.

“My office merely utilized those allocations instead of realigning them for other purposes. Just to be clear, the COA report didn’t cite any irregularity on my expenditure,” paliwanag ng senador.

Sumunod naman sa talaan ng COA ang mahigit P80 milyon na ginastos ng mga senador na sina Manny Pacquiao (P86.4 milyon), Risa Hontiveros (P85.2 milyon), Bam Aquino (P85 milyon) at Ralph Recto (P84.4 milyon).

Si Senador Joel Villanueva naman ang may pinakamababang gastusin noong 2017 na umabot lamang sa  P63.2 milyon.

Sinabi pa ng COA na umabot noong 2017 sa P34.3 milyon ang kabuuang suweldo ng 24 na senador kabilang na si dating Senador Alan Peter Cayetano bago maluklok na Foreign Affairs Seceretary.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close