Kilalang miyembro ng Davao Group, dumalo sa Senate hearing

Dumalo ang may-ari ng Udenna Corp. na si Dennis Uy, isang kilalang negosyante na malapit sa Pangulong Rodrigo Duterte at miyembro ng kilalang Davao Group, sa Senado kahapon upang magpaliwanag sa Senate hearing hinggil sa kontrobersiyang bumabalot sa pagkakapanalo ng kanyang kompanya bilang pangatlong telecommunication player sa Pilipinas.

Kasamang dumating sa pagdinig sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio.

Bubusisiin ng Senado ang mga isyu nang piliin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Mislatel na isang consortium ng Udenna Corp. ni Uy, Chelsea Logistics Holdings at China Telecommunications Corp. bilang third telco player sa bansa.

Noong Nobyembre 13, 2018, ibinasura ng NTC selection committee ang motion for reconsideration ng PT&T na nag-apela sa resulta ng selection process.

Tinanggihan din ng komite ang apela ng Sear Telecom na ideklarang guilty sa misrepresentation ang Mislatel Consortium at inililihim ang material evidence sa naganap na bidding.

Idinagdag pa ng Sear Telecom, na pinamumunuan naman ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson, na “rushed resolution” ang ginawang pagtanggi sa kanilang apela.

Nais ng DICT na isang kompanya na may pinakamataas na committed level of service ang kanilang piliin bilang third telco carrier. Subalit gusto naman ng Department of Finance na isagawa ang pagsubasta para sa gagamiting frequency na may floor price sa mahigit na P6 bilyon mula sa dating napaulat na P36.58 bilyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close