Paggamit ng medical marijuana, aprubado sa 2nd reading sa House

Nakapasa na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ang panukalang nagpapahintulot sa paggamit ng marijuana bilang lunas sa karamdaman.

Unanimous ang naging botohan sa Kamara upang maaprubahan ang Compassionate Medical Cannabis Bill na ginawa ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III ilang araw makalipas magpahayag sina Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ng pagsuporta sa medical marijuana.

Ipinabatid ni Albano na layunin ng kanyang panukala na magamit ang medical marijuana para magamot ang mga karamdamang gaya ng epilepsy sa ilalim ng estriktong regulasyon ng Department of Health at Food and Drug Administration.

“The use of marijuana for recreational purposes will continue to be prohibited. We are not proposing that the prohibition be lifted,” anang mambabatas.

Sinabi pa ni Albano na may nagawa ng pag-aaral sa Israel, Espanya at iba pang bahagi ng Europa at Estados Unidos na nagpapatibay sa benepisyong medical ng marijuana.

Marami rin aniyang mga estado sa Amerika ang nagpapahintulot sa paggamit ng medical marijuana.

Inamin noong nakaraang linggo ni Arroyo ang paggamit niya ng medical marijuana.

“As you know I am an author of that [medical marijuana bill]. I really believe in medical cannabis. As you know, I have my problem here [cervical spine] and when I’m in a country that allows it, I put a pain patch but here in the Philippines I cannot do it,” wika ng Speaker sa mga mamamahayag.

Dati namang sinabi ni Duterte na gumagamit siya ng marijuana upang manatiling gising at para magampanan ang kanyang mahigpit na iskedyul sa huling ASEAN summit. Sa dakong huli, nilinaw niyang nagbibiro lamang siya.

Idinagdag pa ng Pangulo na pabor siya sa paggamit ng marijuana bilang lunas sa karamdaman at hindi para sa rekreasyon o libangan.

“Finally, there is hope for our people, especially our children, who suffer from medical conditions like epilepsy, cancer and multiple sclerosis,” natutuwang sinabi ni Albano.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close