38 bayan at lungsod sa Ilocos, pasok sa watchlist

Tinukoy ng pulisya ang 38 bayan at lungsod sa Ilocos region na napasama sa election watchlist areas (EWAs) kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo.

Ayon ka ySuperintendent Mary Crystal Peralta, Ilocos police information officer, may tigwalong EWAs ang Pangasinan, La Union at Ilocos Norte habang may 14 naman ang Ilocos Sur.

“Most of the towns and cities are under category 1 or areas of concern while two in La Union, specifically Sudipen and Balaoan, are placed in category 3 or areas of immediate concern because of recent… political killings,” pahayag ni Peralta.

Matatandaang napaslang sina Sudipen Mayor Alexander Buquing at Balaoan Vice Mayor AlFred Concepcion sa ambush noong nakaraang taon.

Sinabi pa ni Peralta na 11 bayan sa Ilocos Sur at Ilocos Norte ang kinalasipikang areas of immediate concern dulot ng masidhing labanan sa politika.

Base aniya ito sa mga kumpirmadong report ng pulisya.

Tiniyak din ni Peralta na palalakasin nila ang puwersa ng pulisya sa nasabing rehiyon.

“We are very much open to additional troops as we would like the elections in the region to be safe and secure,” sabi ni Peralta.

Idinagdag pa ng PIO officer na higit pang pinaigting ang mga checkpoint at iba pang operasyon ng pulisya lalo na sa Sudipen at Balaoan nang magsimula ang election period noong Enero 13.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close