Criminal liability, ibinaba ng House

Umaasa si Oriental Mindoro Rep. Salvador Paulino Leachon, chair ng House justice committee, na maisasapinal na nila ang panukalang pagpapababa sa edad ng criminal liability sa susunod na linggo at maisabatas ito bago matapos ang ika-17 Kongreso.

Magsasagawa ang komite ng pagdinig ngayong Lunes upang maamyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (JJWA), na naglilibre sa mga kabataang 15 anyos pababa mula sa criminal responsibility.

Suportado ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagsumite ng House Bill No. 505 mula sa personal na kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa panukala, makaliligtas sa criminal liability ang mga batang 9 anyos pababa subalit kahit exempted sa criminal liability ang mga batang mula 10 hanggang 18 anyos, maaari na silang kasuhan kung mapatutunayan silang kumilos “with discernment.”

Gumawa na rin si Senate President Vicente Sotto III ng kahawig na panukala subalit nais niyang 13 taong gulang ang magsilbing criminal responsibility.

Ipinahayag ni Sotto na sumusunod ang kanyang panukala sa hangarin ng Pangulo na masawata ang krimen sa bansa.

Gayunman, nangangamba naman ang Child Rights Network (CRN) Philippines na lalong lalaki ang suliranin kung maisasabatas ito.

“From 1995 to 2000, about one child was arrested per hour. Revamping the law may — intentionally or unintentionally — revert us back to this situation,” sabi ng grupo.

Sa ilalim ng JJWA, dapat magkaroon ang bawat 81 lalawigan at 33 highly urbanized cities sa buong kapuluan ng “Bahay Pag-asa,” isang child-caring institution na naghahatag ng short-term residential care para sa mga child offender.

Subalit ayon sa CRN, 55 centers lamang ang operasyonal noong Setyembre 2018.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close