Piso mas hihina pa sa dolyar

Inaasahang lalong hihina ang piso ngayong 2019 para sa ikapitong sunod na taon patungong 54 kontra $1 sanhi ng magiging epekto ng mid-term elections.

Ayon sa Singapore-based bank na DBS, babagsak pa ang piso ng 2.5 porsiyento para magsilbing third worst-performing currency sa Asya noong nakaraang taon. Bumaba ito ng 5.3 porsiyento o 52.58 kontra $1 sa pagtatapos ng 2017 mula sa dating 49.93-$1.

“As if falling for six straight years was not enough, the Philippine peso is now facing an additional threat: a midterm election that may compound concerns about its economy,” pahayag ng DBS.

Dati nang humina ang piso mula 2012 na 41.05 kontra $1 patungong 44.39 noong 2013, 44.72 noong 2014, 47.06 noong 2015, 49.72 noong 2016, 49.93 noong 2017 at 52.58 noong nakaraang taon.

Habang naghahanda ang bansa sa nalalapit na halalan sa Mayo, naniniwala ang banko na posibleng makadagdag sa paghina ng piso ang walang katiyakang estadong politikal na hinaharap ng Pilipinas.

“With risk appetite likely to remain fragile due to fears of a global slowdown, traders may drive the peso back below the 13-year low set in October,” dagdag pa ng DBS.

Sumadsad ang local currency sa pinakamahina nitong antas sa nakalipas na 13 taon noong Setyembre 26 nang magsara sa 54.325 kontra $1 sanhi ng patuloy na normalisasyong tinatahak ng US Federal Reserve, ang trade war sa pagitan ng Washington at Beijing gayundin ang tumataas na implasyon at malakas na importasyon upang masuportahan ang yumayabong na ekonomiya sa bansa.

Ipinaliwanag din ng DBS na third worst performing currency sa rehiyon ang piso at nasa likuran ito ng Indonesian rupiah at Thai baht.

“The peso has been undermined by local politics more than once in the past,” anang DBS.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close