Pork, ipinabubura ng Senado sa House

Mapapabilis ang pag-aproba ng Kongreso sa P3.8-trillion proposed 2019 budget ng pamahalaan kung makukumbinse ng mga senador ang kanilang mga kapwa mambabatas sa Mababang Kapulungan na tanggalin ang bilyon-bilyong piso ng pork na nakapaloob sa pondong gagamitin ng administrasyong Duterte.

Nais nang ipasa ng mga senador sa pangalawa at pangatlong pagbasa ang pambansang badyet sa Lunes at makipagpulong sa mga mambabatas sa araw ding iyon, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri nitong Huwebes.

Umaasa naman si Senador Panfilo Lacson na magiging madugo ang Senate-House conference bunsod ng magkaiba nilang bersiyon sa panukalang badyet.

Naniniwala si Lacson na ipaglalaban nang todo ng mga mambabatas na mapanatili ang bilyon-bilyong pork para sa kanilang mga distrito na isinama nila sa badyet ng Malacañang.

Kasama na rito ang P2.4 bilyong idinagdag sa pangalawang distrito ng Pampanga na kinakatawan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at ang P1.9 bilyong ibinigay sa unang distrito ng Camarines Sur na nirerepresenta ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Dagdag pa rito ang P75 bilyong idinagdag sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang hindi nalalaman ni Sec. Mark Villar.

Sa pahayag ni Sen. Loren Legarda, chair ng Senate finance committee na nagtatanggol sa badyet ng administrasyon, hindi nagmula sa DPWH ang inisyatibo ng karagdagang badyet at inamin naman ni Villar na wala siyang alam sa sinasabing “insertion.”

Bunsod ng pag-amin ni Villar, nagpasya ang mga senador na tanggalin ang P75 bilyon sa badyet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close