Walang meningococcemia outbreak sa PH

Wala pang opisyal na naiuulat na outbreak ng meningococcemia sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ginawa ng DOH ang pahayag bilang tugon sa mga sinasabing nagkaroon ng outbreak ang nakahahawang sakit sa buong kapuluan matapos ang pagkamatay ng isang dalawang taong gulang na batang babae sa Lungsod ng Valenzuela na sinasabing nagkaroon ng ganitong karamdaman.

“There is no reported meningococcemia outbreak in the country,” sabi ng DOH.

Gayunman, idinagdag ng kagawaran na iniimbestigahan na nila ang pagpanaw ng bata na nagpakita ng mga senyales at sintomas ng karamdaman.

“Our team has collected laboratory specimens and is still awaiting results as of this writing. We are closely coordinating with our regional office for contact tracing,” anang kagawaran.

Naunang ipinabatid ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela na negatibo ang sinasabing kaso ng meningococcemia sa Valenzuela City Emergency Hospital.

Nagmula ang sakit na meningococcemia sa bakteryang Neisseria meningitis. Kasama sa maagang sintomas nito ang lagnat, pagsakit ng ulo, pagkahilo, mabilis na pagkayamot, rash na may maliliit na spot at pag-aalala.

Base sa datos ng DOH, hindi bababa sa 200 kaso ng meningococcemia ang naitatala kada taon sa Pilipinas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close