Pilot testing ng Angkas, inutos ng Kongreso

Nagbaba ng kautasan ang Mababang Kapulungan sa Department of Transportation (DOTr) para ipatupad ang isang nationwide pilot run sa paggamit ng motorcycle taxis katulad ng Angkas sa gitna ng pagpapatigil nito mula sa Supreme Court (SC).

Ito ang napagdesisyonan matapos dinigin ng House committee on Metro Manila Development na pinamumunuan ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang isyu na dinaluhan ng ilang resource persons sa public transport industry.

“Now that we have established that Angkas is safe, fast, affordable and is relied upon by thousands of Filipino commuters, the committee now comes up with a resolution urging the DOTr to immediately allow Angkas a pilot run nationwide,” pahayag ni Castelo.

Inatasan din ang DOTr sa ilalim ni Secretary Arthur Tugade na gumawa ng balangkas para sa ipatutupad na alituntunin ng operasyon at regulasyon ng motorcycle ride-hailing firm na Angkas.

Matatandaang sinuspinde ang operasyon ng Angkas ng SC noong Disyembre 2018 na nagbaligtad sa order na inisyu ng hukuman sa Mandaluyong.

“Dapat ding matapos ng DOTr ang implementing guidelines sa loob ng dalawang linggo,” dagdag pa ni Castelo.

Kabilang sa mga mambabatas at resource persons na pumanig sa kaligtasan at kahusayan ng Angkas bilang isang uri ng public transport sina Reps. Cristal Bagatsing (Manila), Arnolfo Teves Jr. (Negros Oriental), at Angkas Operations Director David Medrana at Spokesman George Royeca.

Dinaluhan din ang pagdinig ni DOTr Undersecretary Mark de Leon, Cebu City Mayor Tomas Osmeña, Highway Patrol Group Spokesperson Superintendent Oliver Tanseco at dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board Member Ariel Inton.

Naniniwala rin si Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo na walang masama o labag sa batas kung isasalegal ang motorcycle taxis kagaya ng Angkas para mabawasan ang lumalalang problema sa public transport.

“They’re very prevalent in the provinces and they’ve existed for a long, long time already. I don’t see why they shouldn’t be legalized,” sabi ni Romualdo at binanggit pa ang popular na habal-habal na bumibiyahe sa mga lalawigan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close