Lorenzana, papayag mapasakamay ng China ang Hanjin

BAGAMA’T nasa mga kamay ng economic team ng administrasyong Duterte ang pagbusisi sa mga posibleng investor sa Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines (HHIC-Phil),  inihayag ni  Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na babantayan din nila ang grupo na nagbabalak na maglagak ng puhunan sa cash-strapped shipbuilder.

Nabatid na ang Hanjin ay may kabuuang $1.3 billion outstanding loans — $400 million sa mga banko sa Pilipinas at $900 million sa South Korean lenders.

“We defer to the economic team in this area. But we (are) interested to know who are coming to invest,” diin ni Lorenzana nang tanungin kung masusing binabantayan ng DND ang mga pangyayari sa HHIC-Phil  na nakabase sa Subic Bay, Zambales.

Ayon kay Lorenzana, babantayan ng DND ang mga may interes na maglagak ng puhunan sa Hanjin dahil malapit lamang ito sa major docking at anchorage area ng malalaking barko ng Philippine Navy.

“After all Subic Bay is also a major docking and anchorage of our big ships. We will monitor who are interested to invest,” anang  DND chief.

Ngunit duda ang mga tagamasid pampolitika dahil nagmistulang “yes man” sina Lorenzana at Pangulong Rodrigo Duterte sa literal na pagkubkob ng China Coast sa mga bahura at bato na ginawang artipisyal na isla at naging establisimyentong military ng mga Chinese.

Bago ito, ito nagpaha­yag ng pagkabahala si Retired Philippine Navy Vice Admiral Alexander Pama sa posibleng pagpasok ng dalawang Chinese firms sa naluluging Hanjin dahil maglalantad ito sa strategic spot ng Pilipinas at sa mga pinag-aaagawang teritoryo.

“The ownership of Hanjin shipyard in Subic Bay will give the owners unlimited access to one of our most strategic geographic naval and maritime asset. Although it is a commercial shipyard, nothing can prevent the owners from making it into a de facto naval base and a maritime facility for other security purposes,” ani Pama.

“Mga kababayan, sa aking tantiya ay nakababahala ang balitang ito at posibleng may kaakibat na panganib sa kalaunan. Let’s be aware that this Hanjin shipyard issue is not just about business, financial and other economic issues. This is a very significant national security issue,” dagdag ni Pama.

Bukod sa posibilidad na hindi makontrol ang kompanyang Hanjin kapag napasakamay ng Chinese investors dahil maaaring maging isang quasi naval base ito.

Ayon sa  Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), nagsumite na ang Hanjin ng petisyon noong nakaraang linggo sa Regional Trial Court sa Olongapo City para mapasimulan ang voluntary rehabilitation sa ilalim ng  Republic Act 10142, na mas kilala bilang ‘An Act Providing for the Rehabilitation or Liquidation of Financially Distressed Enterprises and Individuals’.

Batay sa report, noong nakaraang taon ay umabot sa 7,000 manggagawa ang inalis ng Hanjin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close