Gender-based harassment, panalo sa Kongreso

Unanimous ang naging desisyon ng botohan sa Mababang Kapulungan para sa panukalang magpaparusa sa catcalling at iba pang gender-based harassment sa mga pampublikong espasyo at maging online nitong Lunes.

Sa unang araw ng sesyon sa Kongreso para sa taong ito, aprubado sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 8794 o ang Safe Street, Public and Online Spaces Act mula sa botohang 208-0-0 ng mga mambabatas.

Tinukoy ng panukalang pangunahing inakda ni Siquijor Rep. Ramon V.A. Rocamora ang gender-based street at public spaces harassment na kinabibilangan ng cat-calling, wolf-whistling, unwanted invitations, misogynistic at sexist slurs, walang tigil na hindi hinihinging komento o muwestra sa itsura o imahe ng isang tao, walang tigil na paghingi ng mga personal na impormasyon, mga pahayag ng komentong seksuwal o suhestiyon, o anumang pagpaparamdam, mapapisikal man o berbal, na hindi hinihingi ng pagkakataon at nagbibigay panganib sa personal na kinaroroonan at pisikal na kaligtasan.

Mula pagsisilbi ng community service, kasama ang pagdalo sa mga Gender Sensitivity Seminar na isasagawa ng Philippine National Police (PNP), hanggang sa pagkakakulong at pagmumulta ng P10,000 hanggang P500,000 ang magsisilbing kaparusahan para sa mga lalabag dito.

Kung kabilang naman ang harasser sa mga hukom o huwes, awtomatikong mare-revoke ang kanyang lisensiya ayon pa sa panukala.

Made-deport naman ang sinumang dayuhang lalabag matapos niyang masilbihan ang sentensiya at nakabayad ng multa.

Mabibigyan din ng HB 8794 ang mga biktima ng pagkakataong makagamit ng lunas gayundin ang psychological counseling services sa tulong ng lokal na pamahalaan at ng Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan ng Department of Health at Philippine Commission on Women.

Kinakailangan ding dumalo ang lahat ng nakatalaga sa Women and Children’s desks sa lahat ng mga police station at makipagkoordinasyon sa Anti-Sexual Harassment Enforcers na rumoronda sa mga kalye, security guards ng mga privately-owned spaces na bukas sa publiko, anti-sexual harassment officers sa pamahalaan at pribadong tanggapan o paaralan kaugnay sa pagpapatupad ng panukalang ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close