‘Pinas, di na bibili ng armas sa US – Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na bibili ng armas at iba pang kagamitang militar ang Pilipinas sa Estados Unidos bunsod ng kritisismo nito sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Bulacan nitong Huwebes, binanggit ng Pangulo kung paano siya ginipit ng Washington dahil sa sinasabing paglabag sa karapatang pangtao sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Tinukoy din ni Duterte ang bagong direktiba ni US President Donald Trump na nagbabawal sa mga bansang bumili ng armas sa China o Russia.

“I will not agree to buy. Pangit tingnan. Hindi maganda. It does not sit well with the Filipino na ganunin ka tapos pasunod-sunod ka na lang. Pagka bumili ka sa China o maybe Russia, magsali ka sa embargo, you cannot trade with America,” sabi ni Duterte.

Nagbabala noong Agosto ng nakaraang taon ang isang US Defense official sa Pilipinas na huwag bumili ng armas sa Russia at sinabing hindi ito makatutulong sa alyansa ng dalawang bansa. Dating nasa pamamahala ng Estados Unidos ang Pilipinas na nakapaloob sa tratado ng alyansa.

“When you buy weapons systems, particularly major platforms, you’re not just buying capability, you’re investing in a relationship,” wika ni US Assistant Secretary of Defense and Pacific Security Affairs Randall Schriver noon.

Simula naman nang maluklok noong Hunyo 2016, sinikap ni Duterte na mapalapit sa China at Russia at hayagang kumontra sa Estados Unidos sa gitna ng matagal nang alyansa ng Pilipinas sa Washington.

“Sabi ko naman sa kanila — your superiors and the civilian leaders, with that kind of arrangement, do not expect me to buy arms from the United States,” sabi ng Pangulo.

Nobyembre 2016 nang kanselahin ni Duterte ang pagbili ng 26,000 M4 assault rifles sa Estados Unidos makaraang kumontra si US Sen. Ben Cardin sa pagbebenta ng armas sa Pilipinas dahil sa human right violations na isinisi sa kanyang administrasyon laban sa droga.

Subalit sa gitna nang pagbaterya ni Duterte sa Washington, kabilang ang Estados Unidos sa tumulong para masawata ang digmaan sa Marawi noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close