Data theft sa DFA, bubusisiin ng Nat’l Privacy Commission

Iimbestigahan ng National Privacy Commission (NPC) ang sinasabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa social media na natangay ng dating contractor ang mga personal na datos ng mga nagmamay-ari ng passport.

Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liboro, inihahanda na nilang ipatawag ang mga opisyales ng Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang ahensiya gayundin ang hindi pa napapangalanang contractor upang magbigay liwanag sa isyu.

“The NPC shall conduct its own investigation on the DFA assertion that a private contractor has caused the non-availability of Filipino passport data and other documents entrusted to it for processing. Any form of non-availability of personal data, infringement of the rights of data subjects and harm from processing that includes inconveniencing the public, must be adequately explained to the satisfaction of the law,”wika ni Liboro.

Nilikha ng Data Privacy Act of 2012 ang NPC at may mandato para maseguro ang mga probisyon ng batas partikular na ang proteksiyon sa mga personal na datos ng mga Filipino.

Hindi naman tinukoy ni Locsin sa kanyang Twitter account kung sino ang nasabing contractor na nagtangay ng mga datos.

“One way is by not sharing the app that allows access. In other words the public has been inconvenienced horrendously on f***ing officials’ excuse the data has to be reconstituted. Any other angle is what we journalists call a cover-up,” pahayag ng kalihim sa kanyang tweet kung paano nakuha ng contractor ang mga datos.

Para naman kay Senadora Risa Hontiveros, senyales ng kahinaan ng proteksiyon sa mga personal na impormasyon ng taumbayan ang posibleng pagnakaw ng datos na isang malaking isyung pangseguridad ng bansa.

“Exactly what data were lost? When, how and under whose watch did this happen? Where did the breakdown occur? Who exactly is the responsible firm? And why aren’t they being sued for running away with such vital information?” tanong ng senadora.

Kaduda-duda rin aniya ang pangako ng Pangulo na mapangalagaan ang soberanya ng bansa at ng mamamayan nito dahil sa naganap na pagnakaw ng mga datos.

“If we cannot trust it to protect our people’s documents, how can we trust it with anything else?” dagdag pa ni Hontiveros.

Inulan naman ng mga komento sa social media ang DFA mula sa mga nag-aalalang passport holder.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close